Isa talaga sa pangarap ko nung bata pa ko eh ang maging boses sa likod ng mga anime’…
Naalala ko pa ang pag gaya ko sa boses ni Killua ng “Hunter X Hunter” … paulit ulit kong ginagawa yon sa school namin… at ginusto ko rin mag aral mag skateboard dahil sa kanya… hehehe.. pero di pinayagan ni papa dahil delikado daw at baka magasgasan ang aking “KUTIS” (NAKANANGKUTCHINTA!!!!)
Pero bago yan.. Nauna talaga si Vincent ng “Ghost fighter”… yung maraming mata sa katawan… at may black flame na dragon… (YEAH!!!!! ANGAS!!) Lagi syang inis at galit sa mga tao… gusto mag isa at at wala syang pilik mata di katulad ng bidang si Eugene.. hehehe!!!
Huli na ko ng mapanuod ko ang NARUTO… pumasok na kase ako sa reality show na sinalihan ko noon (PDA) kaya di ko sya nasubaybayan agad… Pero dahil sa kaadikan ng drummer namin na si Kevin sa NARUTO na-curious ako kung ano meron… AYUN TINAMAAN NG MAGALING! ( eeeeeeeeeeng! TAAAAGUM!) nahiligan ko rin at umibig ako sa karakter ni SASUKE! :’( … at namalayan ko nalang na lumuluha narin at pag lumuluha si NARUTO dahil sa pagkakaibigan nila ni SASUKE… lalo na nung naglaban sila sa falls.. at ginawa ni Naruto lahat para mapigilan nya si Sasuke… pero wala syang nagawa dahil mahina pa sya… At ako pala si NARUTO… hahahahahah!
Kinailangan kong pigilan ang sarili ko sa panunuod ng anime’ dahil di na ko natutulog.. kahit nasa kotse ako papunta sa isang gig nanunuod ako ng anime’… break time ko lang pag magwiwiw at magpupu at maliligo… ayos lang naman mahilig pero wag lang maadik… Pero di ko parin maikukubli na may espesyal na spot sa puso ko ang anime’… mga ala-ala ng aking kabataan.. (NAKANANGPATOLA!!! parang ang tanda ko dun ah.. )
AT GUSTO KO TALAGA MAGING BOSES NG ANIME’…
ang gaganda pa ng mga soundtrack!!!!